Excited to sell some stocks tomorrow (Monday, 11 December) para magkaroon ng at least 15 percent na Real Gains (imbes na Paper Gains lamang). Thank you, Stock Market Mentors, for the guidance and training!
Tanong: “Manny, ano ang Real Gain? Ano ang Paper Gain?”
Sagot: “Kapag ang stock na binili mo sa halagang P100 per share ay mabebenta natin sa halagang P118 per share, yung 18 percent na tubo ay Paper Gain lamang kung hindi mo siya aktwal na binenta.
Kung baga, sa papel lamang yung kita.
Kapag ibinenta mo nga yung stocks mo, at yung pera ay napunta sa iyong Cash Balance, Real Gain ang tawag duon.
You need to buy good stocks at an affordable price, and then later sell at a higher price, in order to actually experience a Gain.
(In some cases, you can Gain without selling stocks. Cash Dividend ang tawag duon, pero pang ibang araw na po ang kwentong yun.)
Pwede mong i-withdraw ang perang pumasok sa COL Financial Cash Balance mo.
Pwede mo ring hayaan ang pera sa Cash Balance mo para kapag may magandang stock na affordable, madali mo siyang mabibili online.
Sa madaling salita, paiikutin mo ang pera sa stock market.
Bumili ng good stocks habang mura, tapos ibenta kapag mataas ang presyo (at least 12 percent).
Minsan, ibebenta mo nang palugi kung may ibang good stock na mukhang mas mabilis na tataas ang halaga.
Minsan din, ibebenta mo nang palugi kung mukhang malabo nang tataas ang stock.
Nagkakamali din ang ibang mga analyst, kasi wala naman silang bolang kristal na magpapakita ng future. :-)
Overall, masaya po tayo sa ating mga stock market mentors, kasi positive naman ang overall balik sa pera.
Pero tandaan po natin na may risk sa stock market. Posible pong bumaba ang halaga ng stocks.
Kaya po posible rin makaranas ng Higher Returns sa stock market (kaysa sa regular bank savings account na 1% lamang), kasi may kaakibat na Higher Risk.
Tara, mag stock market na tayo!
(Y) #LamangAngMayAlam #TrulyRichPinoy
Kind regards,
Manny M. Viloria
TrulyRichPinoy.com – Tara, mag stock market na tayo!