http://TrulyRichPinoy.com/tara presents F&L – Saknong 373 to 392 (Kamatayan sa Palaso ni Flerida)
(Napanuod mo na ba yung kwento ni Pareng Ed, isang masipag at matiyagang OFW na naubos ang pera nung na-ospital ang kanyang anak, pero nakabangon mula sa kahirapan gamit ang isang… panuorin mo ang kwento niya dito.)
373 – Masayang-masaya na yung apat na magkasintahan (Florante at Laura, Aladin at Flerida). Minsan, humihinto ang tibok ng puso nila, kasi nakalimutan nilang huminga. Nag-palpitate, kumbaga.
374 – Nang humupa ang kanilang tuwa, nakinig yung tatlo sa kwento ni Laura.
375 – Sinabi ni Laura kay Florante na nung umalis si Florante mula sa Albanya, hindi nagtagal ay kumalat ang mga sabi-sabi na may kaguluhan sa kaharian. Umabot ang mga balita sa palasyo.
376 – Ngunit hindi malaman kung ano ang umpisa at dulo ng mga bulung-bulungan.
377 – Bigla na lang dumating ang panahon na sinakop ng mga sundalo ang palasyo. Kudeta!
378 – Nasisisigaw ang mga tao: “Mamamtay na si Haring Linceo, na ginugutom ang bayan! Mino-monopolya ni Haring Linceo ang pagkain at trigo (wheat)!”
379 – Pero si Adolfo pala ang nag-utos ng pagkubkob sa pagkain. Sinabi lang niya sa taumbayan na utos daw ito ni Haring Linceo. Naniwala naman kaagad sa kanya ang nagugutom na bayan.
380 – Agad-agad pinatalsik si Haring Linceo sa trono, at pinugutan. Nasaan na ang mga mabubuti at makatarungan, tanong ni Laura.
381 – Nung araw na yun, pati yung mga konseho (counsel) na tapat kay Haring Linceo ay pinugutan din. Ang taksil na tabak ng grupo ni Adolfo ay hindi huminto sa kapapatay hangga’t wala nang natirang mabait na tao.
382 – Umakyat sa trono si Kondeng Adolfo. Binalaan niya si Laura na kung hindi ibibigay ni Laura sa kanya ang mga gusto niya, ipapapatay rin niya si Laura.
383 – Nagbalatkayo si Laura. Nagkunwaring pumayag na gagawin niya ang lahat ng gusto ni Konde Adolfo, para magkaroon si Laura ng panahon na planuhin ang kanyang paghihiganti kay Adolfo, at para masulatan ni Laura si Florante sa Etolia. Pinilit ni Laura na itago ang kanyang pagkamuhi kay Adolfo.
384 – Humingi si Laura kay Adolfo ng limang buwan bago niya tanggapin ang pagsinta ni Adolfo. Pero nag desisyon si Laura na magpapakamatay na lang siya kung hindi dumating si Florante.
385 – Pinadala ni Laura ang liham sa tulong ng isang mapagkakatiwalaang lingkod. Wala pang isang buwan, dumating si Florante at nahulog ito sa mga kamay ni Adolfo.
386 – Dahil takot si Adolfo na babalik si Florante na may kasamang malaking hukbo, nagpadala ito ng liham kay Florante na may selya ng hari (royal seal). Dun sa liham, pinababalik niya si Florante nang mag-isa.
387 – Nung malaman ito ni Laura, nawalan na siya ng loob. Naghanda na ang puso niya na siya ay mamamatay. Mabuti na lang at dumating si Menander na may kasamang malaking hukbo para makubkob (mapaligirin / surround) ang bayan ng Albanya.
388 – Nalaman ni Menander na nasa liham ni Laura ang tangkang magpapakamatay, kaya nung dali-daling pumunta si Menander sa Albanya, para siyang galit na galit na gutom na lobo (wolf) sa kanyang galit.
389 – Nang makita ni Konde Adolfo na wala siyang kalaban-laban sa pwersa ni Menander, kinuha niya si Laura bilang hostage, tinali siya sa kabayo, at tumakas mula sa Albanya sa dilim ng gabi.
390 – Nang marating nila Adolfo at Laura ang gubat, pinagtangkaan niya halayin si Laura. Bigla na lang may tunod (arrow) na lumipad at tinamaan si Adolfo sa kanyang dibdib.
391 – Si Flerida naman ang nagsalita. Sabi niya na nung dumating siya sa gubat, may narinig siyang boses ng babae na sinasaktan. Naawa si Flerida.
392 – Hinanap ni Flerida yung babae (Laura), nakita niya pinipilit ni Adolfo si Laura, kaya pinalipad ni Flerida yung palaso (arrow)…….
Next: Pagwawakas (Saknong 393 to 399)
- Florante At Laura Videos
- Florante at Laura – Pagwawakas – Saknong 393 to 399 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Kamatayan sa Palaso ni Flerida – Saknong 373 to 392 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Sa Ngalan ng Pag-Ibig – Saknong 361 to 372 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Bakit, Ama Ko? – Saknong 347 to 360 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Mariing Hampas ng Langit sa Bayan – Saknong 330 to 346 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Pangingimbulo — Ugat ng Kataksilan – Saknong 314 to 329 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Bayani ng Krotona – Saknong 306 to 313 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Luha ng Pagmamahal – Saknong 290 to 305 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Kagandahang Makalangit – Saknong 274 to 289 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Dakilang Pagpapakasakit – Saknong 258 to 273 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Bilin Ko’y Tandaan – Saknong 242 to 257 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Pamatid-Buhay – Saknong 224 to 241 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Hiram na Bait – Saknong 206 to 223 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Laki sa Layaw – Saknong 188 to 205 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Uliran – Saknong 172 to 187 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Paglingap ng Persyano – Saknong 156 to 171 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Habag Sa Moro – Saknong 143 to 155 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Pakikipaglaban sa Leon [Pagtatagumpay ng Bagong Marte] – Saknong 126 to 142 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Sa Harap ng Panganib – Saknong 108 to 125 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Paghahambing sa Dalawang Ama – Saknong 84 to 107 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Pagdating Ng Moro Sa Gubat – Saknong 69 to 83 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Ala-ala Ni Laura – Saknong 41 to 68 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Panibugho sa Minamahal – Saknong 26 to 40 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Masamang Kapalarang Sinapit – Saknong 11 to 25 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Pagbubukas – Saknong 1 to 10 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Sa Babasa Nito – Saknong 1 to 6 – Buod – Paliwanag