http://TrulyRichPinoy.com/tara presents F&L – Saknong 224 to 241 (Pamatid-Buhay)
(Napanuod mo na ba yung kwento ni Pareng Ed, isang masipag at matiyagang OFW na naubos ang pera nung na-ospital ang kanyang anak, pero nakabangon mula sa kahirapan gamit ang isang… panuorin mo ang kwento niya dito.)
224 – Isinadula nila Florante ang “The Odyssey” – ito yung kwento ni Oedipus. Napangasawa niya ang sarili niyang ina na si Reynang Yocasta.
225 – Gumanap si Florante bilang Eteocles, anak ni Oedipus (ang ina ni Eteocles ay di malaman kung si Jocasta o Euryganeia). Si Adolfo ay gumanap bilang Polyneices. Si Menander naman ay gumanap bilang Reyna Yocasta.
226 – Sa eksena, kikilalanin ni Florante si Adolfo bilang kapatid (anak ni Oedipus).
227 – Bumigkas si Adolfo ng mga galit na salita na wala naman sa iskrip.
228 – Sumugod si Adolfo kay Florante. Tatlong beses siyang sinubukang tagain.
229 – Nahulog si Florante. Mabuti na lang at tinulungan siya ni Menander.
230 – Sinangga ni Menander yung tama na sana ay papatay kay Florante, at tumalsik yung kalis ni Adolfo.
231 – Kinabukasan, pinabalik si Adolfo sa Albanya.
232 – Nanatili si Florante sa Atenas ng isa pang taon. Hinintay niya ang utos na kanyang ama na umuwi na. Ang kaso, may dumating na liham.
233 – Gumulo ang isip ni Florante nang mabasa yung masakit na liham.
234 – Nalaman ni Florante na namatay na ang kanyang ina.
235 – Iyon ang unang napakatinding sakit sa buhay ni Florante — ang pagkawalan ng isang ina.
236 – Nagulat si Florante na sinulatan siya ng ama niya nang ganun.
237 – Dalawang oras nawalan ng malay si Florante. Hindi siya makapagsalita. Hindi niya alam kung nasaan siya. Mabuti na lang at inalagaan siya ng kanyang mga kaklase.
238 – Nang magkamalay si Florante, anduon pa rin yung sakit. Iyak siya nang iyak.
239 – Pakiramdam ni Florante nag-iisa lang siya sa mundo.
240 – HIndi nakatulong ang mga mahinahong mga salita ng kanyang guro. Masyado siyang nagdadalamhati. Kahit mga luha ng pakikiramay ng kanyang mga kaklase ay hindi nagpagaan ng kanyang loob.
241 – Marahas ang kalungkutan. Nawala kay Florante ang sensibilidad.
Next: Bilin Ko’y Tandaan (Saknong 242 to 257)
[xsubpages sort_order=”desc” childof=”864″]