http://TrulyRichPinoy.com/tara presents F&L – Saknong 258 to 273 (Dakilang Pagpapakasakit)
258 – Dala ng ambasador ng Krotona ang isang liham para kay Duke Briseo, ama ni Florante. Ang hari ng Krotona ay biyenan (father-in-law) ni Duke Briseo.
259 – Nanganganib ang Krotona at humihingi sila ng tulong. Pinaliligiran kasi ang Krotona ng hukbo ni Heneral Osmalik na taga Persiya.
260 – Kwento ni Florante: “Ayon sa mga balita, si Heneral Osmalik ay pangalawa sa tanyag at sikat na Aladin, isang gerero (warrior) na kinatatakutan ng maraming gerero, at hinahangaan ko.”
261 – Napangiti si Aladin sa kwento ni Florante. Mahinahon niyang sinabi na bihira namang tama o buo ang mga bali-balita, at kahit na totoo ang balita, maraming nadadagdag sa pag kwento.”
262 – Sinabi rin ni Aladin kay Florante na ang katapangan ay napapalaki sa isip ng isang kinakabahang kalaban. Ang habang nananalo ang isang gerero, lalong tumitindi ang pagkwento ng iba tungkol sa kagalingan nito, kaya lalo siyang iniilagan o iniiwasan ng ibang mga manlalaban.
263 – Pinaaalahan din ni Aladin si Florante na kung naging sikat ang matapang na si Aladin, tandaan din ni Florante na may pagkakataong muntik nang mamatay si Aladin. Hindi rin magtatagal ay malalaman ni Florante na pantay din silang dalawa ni Aladin sa kamalasan at sakit.
264 – Sinabi ni Florante kay Aladin na sana hindi maranasan ni Aladin ang kasamaang-palad ni Florante. Ayaw niyang maranasan ninuman ang kanyang sinapit. Kahit sa mga kalaban ni Florante, ayaw niyang maranasan nila ang dusa ni Florante.
265 – Nagpatuloy sa kwento si Florante… Nang malaman ni Duke Briseo ang banta sa Krotona, sinama niya si Florante kay Haring Linceo. Nakasuot sila ng pandigma.
266 – Bago pa sila makaakyat sa hagdan ng palasyo, sinalubong na ni Haring Linceo yung dalawa. Niyakap niya si Duke Briseo, at kinamayan niya si Florante.
267 – Sinabi ni Haring Linceo kay Duke Briseo na kamukha ni Florante yung gererong nasa panaginip ng hari, na siyang magtatanggol sa kaharian.
268 – Tinanong ng hari kung sino yung binata, at kung taga-saan siya. Sinabi ni Duke Briseo na anak niya si Florante.
269 – Namangha si Haring Linceo. Niyakap niya si Florante, at ginawa siyang Heneral ng hukbo na tutulong sa Krotona.
270 – Sabi ng Haring Linceo kay Florante – Patunayan mo na ikaw ang matapang na gerero sa aking panaginip, na magsasabi sa buong mundo ng kapurihan at kapangyarihan ng Haring Linceo.
271 – Pinaliwanag ni Haring Linceo na ang hari ng Krotona ay nuno (ancestor) ni Florante. Kaya may dugong bughaw si Florante (royal blood), at kailangan niyang makamit ang dangal at bunyi (honor and glory) sa giyera.
272 – Dahil tama nga naman ang sinabi ni Haring Linceo, pumayag si Duke Briseo (kahit masakit sa kanyang kalooban), na ipadala si Florante sa giyera, kasi napakabata pa nito, at kahit hindi pa siya dalubhasa sa patayan.
273 – Walang magawa si Florante kundi sabihin ang Haring poo’t (My Lord, My King) habang dumapa siya sa paanan ng hari. Hahalikan na niya sana ang mga paa ng hari, ngunit itinindig ng hari si Florante at muling niyakap.
Next: Kagandahang Makalangit (Saknong 274 to 289)
- Florante At Laura Videos
- Florante at Laura – Pagwawakas – Saknong 393 to 399 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Kamatayan sa Palaso ni Flerida – Saknong 373 to 392 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Sa Ngalan ng Pag-Ibig – Saknong 361 to 372 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Bakit, Ama Ko? – Saknong 347 to 360 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Mariing Hampas ng Langit sa Bayan – Saknong 330 to 346 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Pangingimbulo — Ugat ng Kataksilan – Saknong 314 to 329 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Bayani ng Krotona – Saknong 306 to 313 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Luha ng Pagmamahal – Saknong 290 to 305 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Kagandahang Makalangit – Saknong 274 to 289 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Dakilang Pagpapakasakit – Saknong 258 to 273 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Bilin Ko’y Tandaan – Saknong 242 to 257 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Pamatid-Buhay – Saknong 224 to 241 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Hiram na Bait – Saknong 206 to 223 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Laki sa Layaw – Saknong 188 to 205 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Uliran – Saknong 172 to 187 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Paglingap ng Persyano – Saknong 156 to 171 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Habag Sa Moro – Saknong 143 to 155 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Pakikipaglaban sa Leon [Pagtatagumpay ng Bagong Marte] – Saknong 126 to 142 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Sa Harap ng Panganib – Saknong 108 to 125 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Paghahambing sa Dalawang Ama – Saknong 84 to 107 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Pagdating Ng Moro Sa Gubat – Saknong 69 to 83 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Ala-ala Ni Laura – Saknong 41 to 68 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Panibugho sa Minamahal – Saknong 26 to 40 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Masamang Kapalarang Sinapit – Saknong 11 to 25 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Pagbubukas – Saknong 1 to 10 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Sa Babasa Nito – Saknong 1 to 6 – Buod – Paliwanag