http://TrulyRichPinoy.com/tara/ presents F&L Saknong 41 to 68 (Ala-ala ni Laura)
41 – Akala ni Florante buo ang pagmahahalan nila ni Laura. Hindi niya akalain na sa kabila ng kagandahan ni Laura, may nakatago palang pagtataksil.
42 – Hindi inakala ni Florante na ang mga luhang iniyak nuon ni Laura ay walang kwenta pala.
43 – Naalala ni Florante na nuong gumawa ng sagisag para sa kanya dati si Laura, buhay na buhay ang mga mata ni Laura.
44 – Naalala ni Florante nuong ginawa ni Laura ang kanyang plumahe (para sa ulo/helmet).
45 – Naalala ni Florante yung maraming beses nuon nung inabot ni Laura ang bandana ni Florante, basa sa mga luha ni Laura kasi alalang-alala siya sa kapakanan ni Florante sa digmaan.
46 – Tinitingnan dati ni Laura ang baluti (armor) ni Florante, at baka may kalawang ito. Ayaw ni Laura na marumihan ang damit ni Florante.
47 – Kapag tumingin mula sa malayo si Laura sa hukbo (army), hinahanap niya si Florante.
48 – Yung turbante (turban) ni Florante ay may diamenteng hugis letrang “L”.
49 – At kapag bumabalik si Florante mula sa digmaan, hindi pa rin mapakali si Laura.
50 – Takot si Laura na baka may sugat si Florante na hindi niya nakita at mahugasan.
51 – At kung may gumugulo sa isip ni Florante, tatanungin ni Laura kung ano yung bagay na yun. At habang hindi pa niya ganap na nauunawaan ito, hahalikan niya si Florante na paulit ulit sa pisngi.
52 – Kung tahimik lamang si Florante, dadalhin siya ni Laura sa hardin para maaliw sa mga bulaklak duon.
53 – Ilalagay ni Laura ang mga magagandang mga bulaklak sa leeg ni Florante. At hindi titigil si Laura hangga’t di niya maalis kung anumang nagbibigay lungkot kay Florante.
54 – At kung malungkot pa rin si Florante, maluluha si Laura. Hinahanap na ngayon ni Florante yung dating pagmamahal ni Laura.
55 – Hinahanap ni Florante si Laura ngayon at malapit na siyang mamatay.
56 – Kahit isang patak ng luha mula kay Laura, sapat na yun para kay Florante.
57 – Pinapahanap ni Florante kay Laura yung mga sugat sa kanyang katawan.
58 – Pinapapalitan ni Florante kay Laura ang kanyang mga maruruming mga damit.
59 – At kung matitigan man lang ni Laura si Florante, mapapahaba ni Laura ang buhay ni Florante.
60 – Para kay Florante, si Laura lang ang pwedeng magpagaling sa kanya.
61 – Yun nga lang, para kay Florante, wala si Laura. Para kay Florante, pinagtaksilan siya ni Laura.
62 – Iba na raw ang kayakap ngayon ni Laura. (Bitter si Florante.)
63 – Wala na raw kaibigan si Florante. At kinalimutan pa siya ng mahal niyang si Laura.
64 – Masakit ang kaloobang ni Florante. Nalulungkot siya sa pagkawalan ng kanyang ama. Nagseselos pa siya dahil kay Laura. Masakit na masakit ang damdamin ni Florante.
65 – Ang pinakamatinding sakit ay ang pagtataksil ni Laura.
66 – Pasasalamatan pa nga raw ni Florante si Konde Adolfo, kung lahat ng pagpapahirap ay gawin kay Florante, huwag lang yung pag-agaw sa puso ni Laura.
67 – Umiyak nang malakas si Florante. Umalingawngaw sa buong gubat ang hiyaw niya.
68 – Parang patay na si Florante. Maputla ang kanyang mukha.
- Florante At Laura Videos
- Florante at Laura – Pagwawakas – Saknong 393 to 399 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Kamatayan sa Palaso ni Flerida – Saknong 373 to 392 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Sa Ngalan ng Pag-Ibig – Saknong 361 to 372 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Bakit, Ama Ko? – Saknong 347 to 360 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Mariing Hampas ng Langit sa Bayan – Saknong 330 to 346 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Pangingimbulo — Ugat ng Kataksilan – Saknong 314 to 329 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Bayani ng Krotona – Saknong 306 to 313 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Luha ng Pagmamahal – Saknong 290 to 305 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Kagandahang Makalangit – Saknong 274 to 289 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Dakilang Pagpapakasakit – Saknong 258 to 273 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Bilin Ko’y Tandaan – Saknong 242 to 257 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Pamatid-Buhay – Saknong 224 to 241 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Hiram na Bait – Saknong 206 to 223 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Laki sa Layaw – Saknong 188 to 205 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Uliran – Saknong 172 to 187 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Paglingap ng Persyano – Saknong 156 to 171 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Habag Sa Moro – Saknong 143 to 155 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Pakikipaglaban sa Leon [Pagtatagumpay ng Bagong Marte] – Saknong 126 to 142 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Sa Harap ng Panganib – Saknong 108 to 125 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Paghahambing sa Dalawang Ama – Saknong 84 to 107 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Pagdating Ng Moro Sa Gubat – Saknong 69 to 83 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Ala-ala Ni Laura – Saknong 41 to 68 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Panibugho sa Minamahal – Saknong 26 to 40 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Masamang Kapalarang Sinapit – Saknong 11 to 25 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Pagbubukas – Saknong 1 to 10 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Sa Babasa Nito – Saknong 1 to 6 – Buod – Paliwanag