http://TrulyRichPinoy.com/tara/ presents F&L Panibugho sa Minamahal (Saknong 26 to 40)
26 – Handang tiisin ni Florante ang pagpapahirap ng Langit, basta maalala siya ng puso ni Laura.
27 – Sa gitna ng kahirapan ni Florante, ang ala-ala ni Laura ang bumubuhay sa kanya.
28 – Matutuwa si Florante nang lubos basta isipin siya ni Laura. Yun nga lang, nalulungkot siya nang lubos gawa ng pagtataksil.
29 – Iniisip ni Florante na patay na siyang nakagapos dun sa puno.
30 – Kung hanapin ni Florante sa kanyang isipan ang ala-ala ng mga nakaraan nila ni Laura, yung mga dati niyang luha sa bawat sugat ni Florante ay ginagawang kasiyahan ang kanyang kahirapan.
31 – Sabi ni Florante para saan pa ang pag-ibig, ngayon na tahimik na si Laura at may kasama nang iba.
32 – Gusto nang mamatay ni Florante dahil naiisip niya na magkayakap sina Konde Adolfo at Laura.
33 – Hinimatay si Florante.
34 – Makikita sa buong katawan ni Florante ang mga marka ng pagpapahirap. (Naranasan mo nang umiyak nang umiyak? Diba may mga maraming pulang tuldok sa mukha mo? Paano pa kaya kung buong katawan mo ay ganun?)
35 – At kapag nakita si Florante ng pinakamarahas na magpaparusa, maawa yun sa itsura ni Florante.
36 – Kahit yung taong tuyo na ang mga mata sa kaiiyak, maiiyak muli kung makita nila si Florante.
37 – Malalim na awa ang mararamdaman ninumang makarinig sa mga daing at tunog na galing kay Florante.
38 – Rinig sa buong gubat ang mga ungol ni Florante. Ang sumasagot lang sa kanya ay ang mga alingawngaw (echoes).
39 – Tinatanong ni Florante sa hangin kung bakit kinalimutan ni Laura ang kanilang pagmamahalan.
40 – Sinusumbat ni Florante kay Laura ang sumpa ng kanilang pagmamahalan. Naging tulala si Florante. Hindi niya naiisip na ganito ang mangyayari sa kanila. Hindi niya naisip na darating ang araw na magtataksil sa kanya si Laura.
Next: Paggunita sa Nakaraan [Aralin 8: Ala-ala ni Laura] (Saknong 41 to 68)…
- Florante At Laura Videos
- Florante at Laura – Pagwawakas – Saknong 393 to 399 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Kamatayan sa Palaso ni Flerida – Saknong 373 to 392 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Sa Ngalan ng Pag-Ibig – Saknong 361 to 372 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Bakit, Ama Ko? – Saknong 347 to 360 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Mariing Hampas ng Langit sa Bayan – Saknong 330 to 346 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Pangingimbulo — Ugat ng Kataksilan – Saknong 314 to 329 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Bayani ng Krotona – Saknong 306 to 313 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Luha ng Pagmamahal – Saknong 290 to 305 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Kagandahang Makalangit – Saknong 274 to 289 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Dakilang Pagpapakasakit – Saknong 258 to 273 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Bilin Ko’y Tandaan – Saknong 242 to 257 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Pamatid-Buhay – Saknong 224 to 241 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Hiram na Bait – Saknong 206 to 223 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Laki sa Layaw – Saknong 188 to 205 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Uliran – Saknong 172 to 187 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Paglingap ng Persyano – Saknong 156 to 171 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Habag Sa Moro – Saknong 143 to 155 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Pakikipaglaban sa Leon [Pagtatagumpay ng Bagong Marte] – Saknong 126 to 142 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Sa Harap ng Panganib – Saknong 108 to 125 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Paghahambing sa Dalawang Ama – Saknong 84 to 107 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Pagdating Ng Moro Sa Gubat – Saknong 69 to 83 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Ala-ala Ni Laura – Saknong 41 to 68 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Panibugho sa Minamahal – Saknong 26 to 40 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Masamang Kapalarang Sinapit – Saknong 11 to 25 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Pagbubukas – Saknong 1 to 10 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Sa Babasa Nito – Saknong 1 to 6 – Buod – Paliwanag