http://TrulyRichPinoy.com/tara presents F&L – Saknong 188 to 205 (Laki sa Layaw)
188 – PInaglalaruan ni Florante ang mga bulaklak (ito kaya ang dahilan kung bakit tinatawag siya ng kanyang ama na Florante, bugtong na bulaklak?). May laruang siyang pulad (quiver of the arrow), o yung balahibo ng manok o ibon na inilalagay sa hindi matulis na dulo ng isang pana, upang magiya o madiretso ang paglipad nito.
Hindi po natin maunawaan pa sa ngayon kung bakit ni inaaglahi ang laruang pulad. Ang pag-aglahi kasi ay yung pagsira sa isa, at pati na ring pagdamay sa buong lahi nung isang yun.
Siguro yung inaglahi ni Florante ay yung isang ibon/manok na ang balahibo ay nasa pulad, at pati na rin yung buong lahi o angkan ng mga ibon/manok.
Pati yung mga ibong lumilipad sa hanging amihan (the wet south wind) ay hinahabol ni Florante.
189 – Kapag may nakitang hayop si Florante duon sa kalapit na bundok, papanain niya ito. Isang tira lang, tinatamaan na. Ganuon katindi at kalinaw ang mata ni Florante.
190 – Mag-uunahan ang mga kasamahan ni Florante para kunin yung napatay na hayop. Sa sobrang tuwa, hindi nila pinapansin ang mga matatalas na tinik sa dinaraanan nila.
191 – Naaaliw si Florante sa kapapanuod sa kanila. Pa-ekis-ekis nagtatakbuhan yung mga kasama ni Florante sa damuhan. At kapag nakita na nila yung patay na hayop, sigawan sa tuwa!
192 – Kapag nagsawa na si Florante sa laruan niyang busog (bow… as in bow and arrow), uupo sila sa tabi ng bukal (batis or spring), titingnan ang sariling repleksiyon, at kukunin ang lamig ng tubig.
193 – Dito sa tabi ng tubig, pakikinggan ni Florante ang mga Nayadas (Naiads – female water spirit). Kapag tumugtog ng lira (lyre) ang mga Nayadas, matatanggal ang kalungkutan sa iyong dibdib.
194 – Pati mga ibon, lumalapit sa mga kumakanta at nagtatawanang mga Ninfas (nymph – nature goddess).
195 – Duon sa sanga ng kahoy na duklay (pinakamataas ng punong-kahoy) nagpupuntahan ang mga ibong upang makinig sa mga nag-aawitang mga Ninfas.
Ang mahal na batis ng iginagalang na bulag na hentil ay malamang yung batis na binanggit sa Bibliya – John, Chapter 9.
Sa “Pool of Siloam” gumawa ng milagro si Hesukristo, kung saan naglagay siya ng putik sa mga mata ng isang bulag, at ito’y nakakita muli.
Sa palagay ng iba, dito rin sa “Pool of Siloam” itinaguyod ni Hadrian ang paganong dambana ng Apat na mga Ninfas (pagan Shrine of the Four Nymphs) nuong 135 AD.
(Saan kaya ito nabasa ni Balagtas? Bakit niya alam ang ganitong kasaysayan? Kakaiba siya talaga!)
196 – Hindi nagtagal ang saya ni Florante sa lugar na yun. Dahil mahal siya ng kanyang ama, inutusan siyang umalis.
197 – Kapag panay kasiyahan lang ang nararanasan ng isang bata, magiging mahina ito paglaki nito.
Kung lumaki’y walang hihinting ginhawa = Walang kahihinatnan. Walang sasapitin. Walang darating na ginhawa sa buhay mo, kung nuong bata ka ay nababad ka lang sa kasiyahan at di ka man lang nakaranas ng mga pagsubok sa buhay.
198 – Mundo ito ng kahirapan. Kaya bawat tao ay dapat matutong patibayin ang kalooban. Kapag hindi natutong magtiis, paano haharapin ang mga pagkakataong malupit ang trato sayo ng mundo?
199 – Ang taong sanay sa masarap na buhay ay ubod ng selan. Hindi niya kayang bathin o tiisin yung hilahil, kahirapan, o gulo. Wala pa ngan dumarating, nasa imahinasyon palang yung problema, ayun… bagsak na.
200 – Katulad ng halamang palaging dinidiligan, kapag may sandaling init at hindi nadiligan agad, ayun… nalalanta na. Ganun din ang pusong nasanay lamang sa tuwa.
201 – Kaunting hirap lang, pinapalaki na kaagad. Ganun ang dibdib na hindi marunong magbata o magtiis. May kaunting pagbabago lang sa mundo, kisapmata o sandali palang ay malaking pagdurusa na.
(Nahihirapan ka ba sa Florante at Laura? Kumusta ang dibdib mo? Mabilis ka bang tumiklop? O kaya mo bang lumaban? Paiter, bai!)
202 – Ang batang pinalaki sa saya at madaling pamumuhay, may something ang pag-iisip. Minsan nga, parang hindi na nag-iisip. Walang sariling bait. Mali ang pag-alaga ng mga magulang. Akala nila pagmamahal yung ipinakita nila sa anak nila. Ngunit mali. Kaya ayun ang masaklap na resulta: walang kwentang anak.
(Mabuti na lang at pinag-aaralan mo itong Florante at Laura. May pag-asa kang gawin ang dapat gawin, upang gumanda ang kinabukasan mo at ng iyong pamilya.)
203 – Ang pagmamahal ng ibang magulang ay mali o baluktot. Tuloy, napasama ang kalagayan nung bata. Posible rin na tamad lamang ang magulang, at naging pabaya.
204 – Ang mga bagay nito ay itinuro ni Duke Briseo sa kanyang anak na si Florante. At kahit umiyak si Prinsesa Floresca, pinadala pa rin si Florante sa malayong lugar ng Atenas upang mag-aral at maging mulat.
205 – Nalungkot nang matindi nang dumating si Florante sa Atenas (Athens). Ang naging mabait na guro niya duon ay si Antenor. Si Antenor ay lahi ni Pitaco (Pittacus of Mytilene – considered as one of the Seven Sages of Greece).
Also see these Other Notes:
188 to 192 (Laki Sa Layaw Part 1)
https://www.facebook.com/floranteatlaurabuod/photos/a.1107581382599368.1073741828.619425271414984/1124703697553803/?type=3
193 to 197 (Laki Sa Layaw Part 2)
https://www.facebook.com/floranteatlaurabuod/photos/a.1107581382599368.1073741828.619425271414984/1124704520887054/?type=3
198 to 202 (Laki Sa Layaw Part 3)
https://www.facebook.com/floranteatlaurabuod/photos/a.1107581382599368.1073741828.619425271414984/1124704937553679/?type=3
203 to 205 (Laki Sa Layaw Part 4)
https://www.facebook.com/floranteatlaurabuod/photos/a.1107581382599368.1073741828.619425271414984/1124705364220303/?type=3
Next: Hiram na Bait (Saknong 206 to 223)
- Florante At Laura Videos
- Florante at Laura – Pagwawakas – Saknong 393 to 399 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Kamatayan sa Palaso ni Flerida – Saknong 373 to 392 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Sa Ngalan ng Pag-Ibig – Saknong 361 to 372 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Bakit, Ama Ko? – Saknong 347 to 360 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Mariing Hampas ng Langit sa Bayan – Saknong 330 to 346 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Pangingimbulo — Ugat ng Kataksilan – Saknong 314 to 329 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Bayani ng Krotona – Saknong 306 to 313 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Luha ng Pagmamahal – Saknong 290 to 305 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Kagandahang Makalangit – Saknong 274 to 289 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Dakilang Pagpapakasakit – Saknong 258 to 273 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Bilin Ko’y Tandaan – Saknong 242 to 257 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Pamatid-Buhay – Saknong 224 to 241 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Hiram na Bait – Saknong 206 to 223 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Laki sa Layaw – Saknong 188 to 205 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Uliran – Saknong 172 to 187 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Paglingap ng Persyano – Saknong 156 to 171 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Habag Sa Moro – Saknong 143 to 155 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Pakikipaglaban sa Leon [Pagtatagumpay ng Bagong Marte] – Saknong 126 to 142 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Sa Harap ng Panganib – Saknong 108 to 125 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Paghahambing sa Dalawang Ama – Saknong 84 to 107 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Pagdating Ng Moro Sa Gubat – Saknong 69 to 83 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Ala-ala Ni Laura – Saknong 41 to 68 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Panibugho sa Minamahal – Saknong 26 to 40 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Masamang Kapalarang Sinapit – Saknong 11 to 25 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Pagbubukas – Saknong 1 to 10 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Sa Babasa Nito – Saknong 1 to 6 – Buod – Paliwanag