http://TrulyRichPinoy.com/tara/ presents F&L Saknong 69 to 83 (Pagdating Ng Moro Sa Gubat)
(Napanuod mo na ba yung kwento ni Pareng Ed, isang masipag at matiyagang OFW na naubos ang pera nung na-ospital ang kanyang anak, pero nakabangon mula sa kahirapan gamit ang isang… panuorin mo ang kwento niya dito.)
69 – May dumating na mandirigma sa gubat. Taga Persiya.
70 – Huminto siya. Tumingin sa palibot. Biglang hinagis ang kanyang mga sandata.
71 – Tumingala siya, at panay ang buntong-hininga.
72 – Umupo siya sa tabi ng puno, at umiyak nang umiyak.
73 – Hawak niya ang kanyang baba at sentido. Mukhang may malalim na iniisip, o di kaya’s may nakalimutan.
74 – Maya-maya’y sumandal siya. Patuloy pa rin ang kanyang mga luha. Nagsalita siya: Flerida, tapos na ang tuwa. (NOTE: Anim na taon na siyang palakad-lakad kung saan-saan sa labas ng Persiya. Hindi siya maka move-on.)
75 – Panay ang sabi ni Aladin ng “Ay! Ay!” duon sa gubat. Hindi siya talaga maka move-on.”
76 – Bigla siyang tumindig, mukhang galit, at dali-dali niyang hinanap ang kanyang mga sandata. Hindi raw siya makapapayag.
77 – At kung ibang tao (maliban sa kanyang ama) ang umagaw ng kanyang Flerida, mapapatay niya ito.
78 – Binanggit ni Aladin si Marte at ang mga Parcae. May diyos/diyosa na kunektado sa digmaan at kamatayan. Matindi ang galit ni Aladin.
79 – Sinabi ni Aladin na babawiin niya si Flerida mula sa mga kuko ng kataksilan, at lahat nang makakabangga niya (maliban sa kanyang ama) ay papatayin niya.
80 – Makapangyarihan ang pag-ibig. Lahat ay apektado. At ang lahat din ay makalilimutan kapag pumasok na sa puso ang pag-ibig.
81 – Kapag pag-ibig na ang pinag-uusapan, kalimutan mo na ang respeto sa lalong dakila (Diyos?), katwiran, tamang pag-iisip, katungkulan, at pati na rin ang buhay.
82 – Sinasabi ni Aladin na huwag siyang tularan. Pero wala naman siyang kausap sa gubat.
Additional Update: Ang malas na karanasan ni Aladin ay aral na dapat mahalin ng mga nakakaunawa, para hindi nila mismong maranasan ang sobrang hirap na halos hindi na kinaya ni Aladin.
83 – Sinaksak ni Aladin ang kanyang sandata sa lupa. Umiyak nang umiyak. Bigla siyang may narinig na buntong hininga. Si Florante pala yun, nakagapos pa sa puno.
Next: Paghahambing sa Dalawang Ama (Saknong 84 to 107)
- Florante At Laura Videos
- Florante at Laura - Pagwawakas - Saknong 393 to 399 - Buod - Paliwanag
- Florante at Laura - Kamatayan sa Palaso ni Flerida - Saknong 373 to 392 - Buod - Paliwanag
- Florante at Laura - Sa Ngalan ng Pag-Ibig - Saknong 361 to 372 - Buod - Paliwanag
- Florante at Laura - Bakit, Ama Ko? - Saknong 347 to 360 - Buod - Paliwanag
- Florante at Laura - Mariing Hampas ng Langit sa Bayan - Saknong 330 to 346 - Buod - Paliwanag
- Florante at Laura - Pangingimbulo — Ugat ng Kataksilan - Saknong 314 to 329 - Buod - Paliwanag
- Florante at Laura - Bayani ng Krotona - Saknong 306 to 313 - Buod - Paliwanag
- Florante at Laura - Luha ng Pagmamahal - Saknong 290 to 305 - Buod - Paliwanag
- Florante at Laura - Kagandahang Makalangit - Saknong 274 to 289 - Buod - Paliwanag
- Florante at Laura - Dakilang Pagpapakasakit - Saknong 258 to 273 - Buod - Paliwanag
- Florante at Laura - Bilin Ko'y Tandaan - Saknong 242 to 257 - Buod - Paliwanag
- Florante at Laura - Pamatid-Buhay - Saknong 224 to 241 - Buod - Paliwanag
- Florante at Laura - Hiram na Bait - Saknong 206 to 223 - Buod - Paliwanag
- Florante at Laura - Laki sa Layaw - Saknong 188 to 205 - Buod - Paliwanag
- Florante at Laura - Uliran - Saknong 172 to 187 - Buod - Paliwanag
- Florante at Laura - Paglingap ng Persyano - Saknong 156 to 171 - Buod - Paliwanag
- Florante at Laura - Habag Sa Moro - Saknong 143 to 155 - Buod - Paliwanag
- Florante at Laura - Pakikipaglaban sa Leon [Pagtatagumpay ng Bagong Marte] - Saknong 126 to 142 - Buod - Paliwanag
- Florante at Laura - Sa Harap ng Panganib - Saknong 108 to 125 - Buod - Paliwanag
- Florante at Laura - Paghahambing sa Dalawang Ama - Saknong 84 to 107 - Buod - Paliwanag
- Florante at Laura - Pagdating Ng Moro Sa Gubat - Saknong 69 to 83 - Buod - Paliwanag
- Florante at Laura - Ala-ala Ni Laura - Saknong 41 to 68 - Buod - Paliwanag
- Florante at Laura - Panibugho sa Minamahal - Saknong 26 to 40 - Buod - Paliwanag
- Florante at Laura - Masamang Kapalarang Sinapit - Saknong 11 to 25 - Buod - Paliwanag
- Florante at Laura - Pagbubukas - Saknong 1 to 10 - Buod - Paliwanag
- Florante at Laura - Sa Babasa Nito - Saknong 1 to 6 - Buod - Paliwanag