http://TrulyRichPinoy.com/tara presents F&L – Saknong 361 to 372 (Sa Ngalan ng Pag-Ibig)
(Napanuod mo na ba yung kwento ni Pareng Ed, isang masipag at matiyagang OFW na naubos ang pera nung na-ospital ang kanyang anak, pero nakabangon mula sa kahirapan gamit ang isang… panuorin mo ang kwento niya dito.)
361 – Narinig ni Florante at ni Aladin ang tinig ng babaeng nagkukwento… “Nung nalaman ko na pupugutan ng ulo ang mahal kong nasa bilangguan, dumapa ako sa paanan ng masamang hari (sultan).”
362 – Lumuha, dumaing, at humingi ng tawad si Flerida para sa minamahal niyang anak ng sultan. Sinabi ng sultan na kung hindi tatanggapin ni Flerida ang pagmamahal ng sultan, hindi patatawarin ng sultan ang anak niyang si Aladin.
363 – Ano ang gagawin ni Flerida? Hahayaan na lang ba niyang mamatay ang mahal niya? Pumayag si Flerida sa kagustuhan ng sultan, para mabuhay ang mahal niya si Aladin na kahambal-hambal o kaawa-awa.
364 – Kahit matibay at matigas ang puso ni Flerida, tumiklop ito at bumigay para lamang mailigtas ang buhay ng kanyang minamahal.
365 – Natuwa ang haring sultan. Pinakawalan niya si Aladin. Yun nga lang, ang utos ay dapat umalis si Aladin mula sa Persiya.
366 – Pumanaw/umalis si Aladin sa Persiya na hindi man lang sila ni Flerida nakapagpaalam sa isa’t isa. Matindi ang pagdurusa ni Flerida. Di niya kayang ilabas ang higit na maraming luha pa na katumbas ng paghihirap na dinadala niya. Naubos na ang kanyang mga luha, ngunit ang sakit pa rin ng kanyang damdamin.
367 – Naghanda ang kaharian ng Persiya para sa kasal ni Flerida at ng sultan. Naisip ni Flerida na magsuot ng damit ng sundalo at tumakas mula sa palasyo.
368 – Isang madilim na gabi, tumakas si Flerida. Dumaan siya sa bintana. Mag-isa siya. Ang kasama lang niya ay ang kanyang malalim na hangad na makita ang mahal niya, kahit nasaan man ito.
369 – Ilang taon na siyang gumala-gala dun sa bundok at gubat, hanggang naabutan niyang si Laura na pinupwersahan ni Konde Adolfo.
370 – Sa gitna ng pagkukwento ni Flerida, biglang dumating sina Duke Florante at Prinsipe Aladin. Masayang-masaya yung mga kalalakihan, dahil nakilala nila ang boses na narinig nila.
371 – Sobrang saya nila! Kung anuman sakit ang nararamdaman ng katawan nila, parang nawala ang sakit na yun!
372 – Tuwang-tuwa si Florante nang makita niya si Laura. Lampas Langit ang kanyang kasiyahan.
Next: Kamatayan sa Palaso ni Flerida (Saknong 373 to 392)
- Florante At Laura Videos
- Florante at Laura – Pagwawakas – Saknong 393 to 399 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Kamatayan sa Palaso ni Flerida – Saknong 373 to 392 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Sa Ngalan ng Pag-Ibig – Saknong 361 to 372 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Bakit, Ama Ko? – Saknong 347 to 360 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Mariing Hampas ng Langit sa Bayan – Saknong 330 to 346 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Pangingimbulo — Ugat ng Kataksilan – Saknong 314 to 329 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Bayani ng Krotona – Saknong 306 to 313 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Luha ng Pagmamahal – Saknong 290 to 305 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Kagandahang Makalangit – Saknong 274 to 289 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Dakilang Pagpapakasakit – Saknong 258 to 273 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Bilin Ko’y Tandaan – Saknong 242 to 257 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Pamatid-Buhay – Saknong 224 to 241 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Hiram na Bait – Saknong 206 to 223 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Laki sa Layaw – Saknong 188 to 205 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Uliran – Saknong 172 to 187 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Paglingap ng Persyano – Saknong 156 to 171 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Habag Sa Moro – Saknong 143 to 155 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Pakikipaglaban sa Leon [Pagtatagumpay ng Bagong Marte] – Saknong 126 to 142 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Sa Harap ng Panganib – Saknong 108 to 125 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Paghahambing sa Dalawang Ama – Saknong 84 to 107 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Pagdating Ng Moro Sa Gubat – Saknong 69 to 83 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Ala-ala Ni Laura – Saknong 41 to 68 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Panibugho sa Minamahal – Saknong 26 to 40 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Masamang Kapalarang Sinapit – Saknong 11 to 25 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Pagbubukas – Saknong 1 to 10 – Buod – Paliwanag
- Florante at Laura – Sa Babasa Nito – Saknong 1 to 6 – Buod – Paliwanag